Statement: The Deputy Presidential Spokesperson on the Pacquiao vs. Bradley fight, June 10, 2012

Sunday, June 10, 2012


Pahayag ng Pangalawang Tagapagsalita ng Pangulo Abigail Valte:
Ukol sa pagkatalo ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley
[Ika-10 ng Hunyo 2012]
Sa kabila ng pagkabigo ni Manny Pacquiao na depensahan ang WBO Welterweight belt laban kay Timothy Bradley, hindi pa rin natitinag ang suporta ng sambayanang Pilipino sa ating Pambansang kamao.
Muling ipinamalas ni Manny ang tatag at lakas ng Pinoy sa buong mundo: na anumang dagok, hirap at sakit ang danasin natin, hindi tayo magdadalawang-isip na ituloy ang laban para sa karangalan ng bayan.
Sa anumang larangan, may nagwawagi at may nagagapi. Ngunit gaya ng ilang ulit pinatunayan ng lahing Pilipino, ang bawat pagkadapa at pagkalugmok ay pagkakataon upang ipamalas ang kakayahan nating taas-noong bumangon. Basta’t patuloy tayong nagkakapit-bisig, tiyak tayong titindig tungo sa tagumpay, kung saan lahat ng Pilipino ay panalo.
Sama-sama nating ipagdasal ang agarang panunumbalik ng sigla at lakas ni Manny. Sa susunod mo pang mga laban at pagpupursigi, makakaasa kang lagi mo kaming kaisa at kasama.
Si Manny pa rin ang nag-iisa at ipinagmamalaking Pambansang Kamao ng sambayanang Pilipino.
link from gov.ph

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Like us on Facebook

We Heart It

Subscribe